Mga aralin sa Ikaapat na Markahan: Marso 14,2013
Ngayon ay ang unang araw ng pa...: Marso 14,2013 Ngayon ay ang unang araw ng pagsusulit: Mapeh, Chemistry, Values, Filipino. Ang hirap ng Mapeh! Dumugo utak ko du'n...
Friday, March 15, 2013
Marso 14,2013
Ngayon ay ang unang araw ng pagsusulit: Mapeh, Chemistry, Values, Filipino. Ang hirap ng Mapeh! Dumugo utak ko du'n a. Kahit pa nagbalik-tanaw ako sa mga aralin namin, nakalimutan ko naman 'yung iba. Nakakainis! Medyo nadalian naman ako sa Chemistry at Values. Pero sa Filipino? hahahah... sumakit din utak ko sa kakaintindi sa mga salita. Nahirapan akong mag-analisa sa mga tanong. Ano kayang resulta o mga score du'n?
Marso 15,2013
Huling araw ng pagsusulit! Hindi pa rin ako tapos sa blog ko.
Kanina ay hindi na ako masyadong abala sa pagsasagot kasi may dalawa na akong exempted na eksam. Salamat naman! Matapos lang lahat ng ito, pasasayahin ko naman sarili ko. Pagod na kasi e. Para magkaroon naman ulit ng buhay. Hahaha... Mamimiss ko lahat ng mga guro na nakasama ko sa loob ng sampung buwan. Salamat sa mga paghihirap nila sa amin. Kami man ay makukulit at pasaway ay nandyan pa rin sila para sa amin ano man ang mangyari. Isa silang malaking biyaya na dumating sa buhay ko. Utang ko sa kanila ang mga kaalaman na natutunan ko. Hinding-hindi ko sila makakalimutan.
Mabuhay ang mga guro!
* Gng. Norbie Angeles
* Bb. Rutchelle Nacolanga
* Bb. Rosa Tayamora
* G. Manuel Inahid
* Gng. Marvilyn Mixto
* G. Arnel Espina
* Gng. Socorro Cabrera
* Gng. Mary Ann Manlagnit
Salamat po sa inyo!

Talaarawan
Enero 14, 2013
Lunes…
Inantok na naman ako
sa klase kanina. Paano naman kasi, hindi nakatulog ng maaga kanina.
Enero 15,2013
Martes …
Nakakainis gamitin
ang mga cellphone na matagal ng nabuhay, matanda at ‘yung tipong masisira na
siya. Hindi ko na nababasa ulit ang mga mensaheng naipadala ko na.
Naghahalo-halo ba naman ang mga mensahe. Wala na akong naintindihan.
Enero 16, 2013
Miyerkules …
Natupad nga ang gusto ko kanila.
Nakapagplano na kami. Mayroon na kaming camera na gagamitin, at dalawa pa.
Tapos na ang iskrip.
Enero 17, 2013
Huwebes…
Nasimulan man ang araw ko na masaya ngunit
bigla namang nasira ito pagkatapos kong nalamang naiwan ng karamihan sa mga
pangunahing “character” o tauhan ang mga iskrip nila. Hindi lang dahil du’n ang
problema, ni isa man lang sa dalawang camera ay walang nadala? Ilang beses ko
kayang pinaalala sa kanila.
Enero 18,2013
Biyernes…
Tawanan
ang pagkadismaya!
Enero 19,2013
Sabado…
Kahapon nga, may nagawa na
kami. Si Banares ang Aling Marta; si Cerbo naman ay si Andres; at si Austria ay
si Aling Gondang. Maganda naman ang nagawa o nasimulan naming subalit, kanina
sa dapat na “praktis” namin ay kulang-kulang. Iniwan ko pa naman si mama dahil
lang du’n, hindi ko tulog natulungan si mama sa pagsasampay. Alam ko kasi na
pagod na rin siya.
Enero 20,2013
Linggo…
Sobrang naramdaman ko ang
pagmamahal ng Panginoon sa akin dahil sa mga biyaya sa buong linggong lumipas.
Iyon ay ang aking patuloy na ipinagpapasalamat.
Enero 21,2013
Lunes…
Nagpalit kami ng mga tauhan
kanina sa pelikula na “ Ang Kalupi “. Si Aquino na ang Aling Marta; Cerbo
bilang Andres Reyes pa rin; Aling Gondang ay si Celedonio; Badion ay ang asawa
ni Aling Marta.
Enero 22,2013
Martes…
Wala munang “ shooting “ para sa
maikling pelikula. May mga ibang gawain pa sa ibang asignatura na kailangang
tapusin.
Enero 23,2013
Miyerkules…
Hindi kami tapos sa SIP
namin. Natatakot na ako baka hindi naming maipasa. Wala pa kaming matibay na
konsepto. Paano puro tawanan lang.
Enero 24, 2013
Huwebes…
Kaarawan ng kapatid ko na si
Kaye. Naghanda sina mama ng konting salu-salo. Masaya naming pinagsaluhan ang
mga masasarap na pagkain na niluto ni mama.
Enero 25, 2013
Biyernes…
Ang saya ng P.E. namin kanina.
Masaya talaga akong kada Biyernes ay may P.E. kami dahil natuto talaga ako sa
mga pinagagagawa namin. Masarap sa pakiramdam ang mag-ehersisyo dahil ramdam mo
na lalakas ka talaga. Bagamat nakakapagod pero sulit naman.
Enero 26, 2013
Sabado…
Nagkaroon na naman kami ng
panahon ni mama upang magkwentuhan. Tinulungan ko siyang maglaba ng mga damit
naming. Masaya ako dahil nakakapagkwento ako sa kanya at nasasabi ko na ang
nais kong sabihin. Malaking biyaya siya sa amin. Ang dami ng ga nagawa niyang
ikabubuti sa pamilya naming. Katulad sa Pamana ni Jose Corazon de Jesus ay kung
hihilingin man ako ay ‘yung hindi siya mawala sa amin.
Enero 27,2013
Linggo…
Nagsimba kami kanina
at marami na man akong natutunan. Masaya kaming nagkantahan para sa Panginoon.
Enero 28, 2013
Lunes…
Hindi parin kami
makapagdesisyon sa SIP namin. Ang gulo kasi e. Ang dami naming suhestiyon
ngunit may mga problema naman kaming nakikita. Sa katapusan pa naman ang
pasahan nu’n.
Enero 29,2013
Martes…
Kanina ay nandito sa
bahay sina Banares, Garcia, Canchela, Graniel at huling-huli ay sina Aquino at
Gallardo.
bukas.
Enero 30,2013
Miyerkules…
Mabuti naman at nagawa at natapos ko na ang mga konseptong
napag-usapan naming. Inilagay ko na siya sa putting papel.
Sakit sa kamay ang magtype sa kompyuter. Hindi naman pwedeng
magpahinga dahil masasayang ang oras.
Kasama ko si Kim kanina ngunit nauna rin siya sa aki.
Nag-update siya ng blog.
Enero 31,2013
Huwebes…
Araw na ng pasahan ng SIP!
Masaya ako na nakapagpasa kami nang nasa oras. Kinakabahan
naman ako, baka mali ang nagawa namin. Kakausapin daw lahat ni ma’am ang mga
nagpasa e.
Sana nga ay maipaliwanag ko ng mabuti
sa Lunes. Kinakabahan na ako a!
Pebrero 1, 2013
Biyernes…
Nagkaroon na naman kami ng P.E.
kanina. Masarap na naman sa pakiramdam na gumalaw-galaw ang katawan mo.
Kanina nakakatuwa si Badion dahil nakisabay siya sa mga
kalokohan namin. Mas tumawa pa kami sa mga hirit niya.Inasar namin siya ng
“polkadots” dahil sa mga tagiyawat sa kanyang mukha. Sinasakyan naman niya
iyon. Hindi siya nagalit. Hahaha!
Pebrero 2, 2013
Sabado…
Pinaghandaan ko naman kanina ang mga
sasabihin namin ng mga kagrupo ko kapag tanungin ni ma’am Manlagnit kung sakali.
Mahirap magsaliksik ng mga ideya.
Sana nga makatulong ito ng kahit konti.
Pebrero 3,2013
Linggo…
Nagsimba kami kanina nila kuya. Ang
saya ng pagtitipon-tipon namin. Nagkantahan at nagkakulitan kami. Sabik akong
kumanta ng mga dating awitin namin subalit hindi nila alam dahil sa simbahan
namin dati sa Bohol ko iyon natutunan.
Kanina rin ay pinaplantsa ko na ang
mga uniporme namin pero kay mama ‘yung mga palda para maunat at maganda
tingnan. Tinapos ko naman ang mga “ blouse “.
Pebrero 4,2013
Kanina nga ay pumunta kami kay Ma’am Manlagnit ayon sa
napagkasunduan. Mabuti na at hindi kami masyadong piniga ng mga katanungan.
Medyo may mga problema pero kaya naman solusyonan.
Hindi na ako mapakali para bukas. Magkakaroon ng Science
Fair sa Ynares Center.
Pebrero 5,2013
Ang dami ko talagang natutunan
sa Science Fair kanina. Sobrang saya ko na nakadalo ako sa ganoong klase ng
pagtitipon. Marami pa kaming nakasabay na taga ibang paaralan.
Sana nga ay magkaroon pa sa susunod.
Maraming mga ideya ang nadagdag sa utak ko. Magagaling din ang mga estudyante
sa Philippine Science High School. Ang tatalino nila!
Pebrero 6, 2013
Kahapon pala ay kaarawan ng ate,
panganay namin. Binati ko siya at nagpasalamat naman siya. Gustong-gusto ko na
siyang makita. Gusto ko na marinig ang boses niya ng harapan. Pinapagalitan
kasi ako nu’n e.
Kanina ay pumunta kami sa bahay ng
tita ko. Masaya dahil binantayan ko ‘yung dalawang makukulit. Si Pia at Iya.
Pebrero 7, 2013
Nakachat ko si kuya Pat sa Facebook kanina at may sinabi siya sa
akin. Magpakabait daw ako at may ibibigay siya sa akin. Masaya ako at palagi
kong sinasabi iyon kay mama. Uuwi daw si kuya sa Sabado. Hala! Ang saya ko! :)
Pebrero 8, 2013
Bukas na pala dadating si ate
dito sa Maynila. Lalaban siya sa pagalingan sa pag –awit na gaganapin naman sa
Pangasinan. Sabik na akong makita siya. Galing pa silang probinsiya. Siya ang
kakatawan para sa Rehiyon 7. Bago siya umuwi ay titira muna siya sa bahay ng
mga ilang araw.
O siya, pagod na ako e. may P.E.
kasi kanina. Salamat kay kuya sa cellphone na ibinigay niya sa akin.
Nakakapagpadala ako ng mensahe sa mga kamag-anak ko sa ibang lugar. Nu’ng
nakaraang lingo pa ito ibinigay sa akin subalit ngayon ko lang sinabi kasi
ngayon ko lang naalala e. Pasensya.
Pebrero 9, 2013
Naiwan kami ng kapatid ko ngayon
dito sa bahay. Sinundo nila mama, papa, bunso at kuya si ate. Si mama’t bunso
ay sasama kay ate sa Pangasinan. Mga ilang araw din silang hindi uuwi. Masaya
naman akong nakarating si ate ng ligtas. Nagbarko sila galling pang Cebu. Sana
manalo siya. Kaya niya iyan, nag champion nga siya sa Regional e.
Pebrero 10, 2013
Unang araw na wala si mama.
Gumising ako ng maaga at inutusan ako ni papa na magluto ng scrambled eggs.
Nakakahiya talaga dahil hindi naluto ‘yung kamatis. Pero kahit ganu’n, kinain
din naman nila iyon. Wala silang magagawa e.
Nagsimba kami ng mga kapatid ko
at nakauwi naman ng ligtas.
Pebrero 11, 2013
Lunes…
Pangalawang araw nang wala si
mama. Mahirap talaga kapag awlang ina. Ako kasi ang panganay na babae.
Unang beses o unang pagkakataon
kong makapagluto dahil kailangan. Magluluto n asana ako ng adobo nang inagawan
ako ni kuya. Siya na lang ang nagluto.
Pebrero 12, 2013
Pangatlong araw na wala si mama.
Kanina ay ang unang beses kong makapagluto ng sinigang. Natuwa naman ako dahil
ito’y masarap. Tagumpay!
Bago ako nagluto, namalengke
muna ako ng mga sangkap. Hindi ko talaga alam ang mga rekado. Ang ginawa ko,
inalala ko na lang ang mga nilalagay ni mama kapag nagsisinigang siya.
Pebrero 13’2013
Ikaapat na araw na wala si mama.
Hay, buti na lang ay nandito na sila bukas. Hindi talaga ako makapaghintay
sapagkat sabik na akong makita si ate, si mama at bunso.
Ang dami ko pang lilinisin. Ayaw
kasi ni mama na maraming kalat e. Hindi ako makatulog sa paghihintay. Sana ay
antukin ako para magkaroon naman ng lakas bukas.
HoO! Walang pasok bukas dahil may
pagsusulit ang mga estudyante sa ikaapat na taon.
Pebrero 14,2013
Walang pasok +
Nakita ko na si ate, mama, at bunso +
Nakita ko na si ate, mama, at bunso +
Malinis ang bahay =
Masaya! J J J
Wala munang Valentines kasi
nag-aaral pa e. “ Sa tamang panahon na lang Amor”, ang sinabi ko sa text nu’ng
inalok niya akong mag date, daw? Wahahaha… wala pa sa isip ko ‘yan.
Pebrero 15,2013
Walang pasok ulit dahil sa
dalawang araw na pagsusulit ng mga “4th year”. Nagkantahan kami nila ni kuya
at ate. Ang ganda talaga ng boses ni ate. Wala talaga ako kumpara sa kanya. “
Partida “ habang nagluluto ay kumakanta.
Kaya ko rin ‘yon! ‘yun nga lang kapag natuto
na akong magluto. Hahahaha…
Ang saya talaga ng araw ko.
Pebrero 16,2013
Sabado…
Walang magawa ang mga tao dito
kanina. Magkantahan ba naman ulit? Ayos lang, hindi naman sabog ang mga
kumakanta e. Sana nga ay hindi maingayan ang mga kapitbahay. Habang kumakanta
si ate ay kinuhanan ko siya ng video para kung sakaling umalis na siya ay
nakikita ko pa rin siya at marinig ang magandang boses niya. Hay, malulungkot
na naman ako nito. Ayoko na nga isipin ‘yun. Huling gabi na pala ni ate ngayon.
Nakakalungkot talaga. Bukas ihahatid na siya. Hindi kasi siya pwedeng magtagal
dahil magjujudge pa siya ng Olympic sa paaralan nila.
Pebrero 17,2013
Maaga akong nagising. Maaga rin
namang nalungkot. Umalis na si ate kanina. Nakakamiss naman siya. Kahit konting
panahon lang na kami’y nagkasama-sama pero nagpapasalamat pa rin ako sa
kakaunting panahong iyon an nakasama naming siya.
Tuloy pa rin ang araw ko.
Nagsimba kami ng mga kapatid ko. Pinagdasal ko ang kaligtasan niya sa barko.
Sige, tulog na ako. May pasok pa bukas e.
Thursday, March 14, 2013
Teorya sa Noli me Tangere
- Klasisismo
* Katotohanan
* Kagandahan
* Kabutihan
( Karanasan ng isang Guro )
2. Realismo
( Ito ay nasa kabanata na kung saan ay hinanap ng mga malulupit na guwardiya sibil si Sisa upang malaman ng mga ito ang kinaroroonan ni Basilio at Crispin)
* Ang pagiging malupit ng mga sibil ay sinasabing isang halimbawa ng Realismo sapagkat ito ay maihahalintulad sa mga taong may posisyon ngayon sa lipunan na ginagamit ang kapangyarihan upang gawin ang nais nilang gawin na kung tutuusin ay labag sa lahat ng anong uri ng mga batas.
( Kasaysayan ng isang Ina )
3. Naturalismo
Marumi ang mundo. Maraming kasuklam-suklam na pangyayaring gawa ng tao.Natural sa tao ang manakit ng kapwa lalo na kung ito ay mahina at walang lakas lumaban. Ito ay nagpapatunay na ang buhay ay mabangis, karumal-dumal at walang awang kagubatan.
* Ito ay ang panahon na kung saan si Don Rafael ay ipinakulong sa salang 'di niya ginawa. Lahat ng mga inggit sa kanya ay nagsipaglabasan sa pangunguna ni Padre Damaso, ang matalik niyang kaibigan ngunit isang lihim na kaaway.
( Erehe at Filibustero )
4. Eksistensyalismo
Pagsusuri sa batay sa kanyang kilos, paniniwala,gawi at paninindigan. Pinapahayag din sa teoryang ito ang istilo na ginamit ng manunulat at mga bahaging nagpapakita ng malayang kaisipan.
* Nakita ang paninindigan ng dalawang panig: Ang Sakristan Mayor at ang magkapatid na sina Crispin at Basilio. Gustuhin man ni Basilio na ipagtanggol ang kapatid upang walang magyaring masama ngunit wala siyang magawa.Sa pangangatwiran siya nakitaan ng paninindigan.
( Mga Sakristan )
Feminismo
Maria Clara
Isang babaing walang sariling tauhan at hindi makagawa ng sariling kapasyahan na naging sanhi ng kanyang ibayong paghihirap at kasawian.
Sisa
Isang babaing mapagtiis na dala ng kahinaan ay patuloy na dumaranas ng kapighatian.
Donya Consolacion
Isang babaing tampulan ng paglibak na rin ng kanyang sariling kagutuhan.
Donya Victorina
Isang babaing hindi makayang makilala ang sariling katauhan dahil sa matinding kagustuhang kalimutan.

Paggawa ng Rebyu
Paggawa ng Rebyu
1. Pamagat
2. May-akda / Direktor / Kompanya
3. Uri ng panitikan
4. Tauhan
5. Buod ng kwento o Synopsis
6. Mga puna
Dapat tandaan na ito ay isinulat ng patalata kaya ang mga sumusunod ang dapat bigyang pansin sa pagbuo ng rebyu.
Ang paggawa at pagsulat ng isang rebyu ay isang napakalaking gawain ngunit makabuluhan.Natutulungan ng isang gumagawa ng rebyu ang mambabasa o manonood upang manamnam nang husto ang akdang babasahin o papanoorin sa kabilang banda naman, natutulungan din niya ang may akdang pagkilala.
Ang rebyu ng pelikula ay isang pagbibigay puna sa mga bahaging bumubuo at sa ilang teknikal na aspeto nito.

Rebyu
Rebyu
* Isang pagkilatis sa binasa o pinanood na kada; layunin nitong linawan ang nilalaman ng akda para sa mambabasa o manonood.
* Ang paggawa ng rebyu ay hindi pamimintas. Hindi kahinaan lamang ng akda ang inilalahad ng sumusulat ng rebyu. Nararapat lamang ng isang manunulat na paggawa ng rebyu na walang kinikilingan. Hindi siya dapat marahuyo sa sabi-sabi ng iba. Ang kanyang layunin ay wagas hinggil sa akdang nirerebyu.
Bangkang papel
Bangkang Papel
Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakikita siya ng mga bangkang papel. Isang batang lalake ang nagising sa malakas na dagundong at nakasisilaw na liwanag subalit napagtanto niyang walang pumapatak sa kanilang bubungan. Hinanap niya ang kanyang ama sa kanyang ina ngunit pinatulog lamang siya nito sapagkat magpapalutang pa siya ng bangkang papel bukas.
Subalit hindi niya napalutang ang mga bangkang papel dahil paggising niya ay nakita niya ang kanyang inang nakalugmok sa sahig habang hinahaplos- haplos ang buhok ng kanyang kapatid na si Miling. Napakaraming tao sa paligid at wala ni isa man sa kanila ang nagpaliwanag sa kanya sa nangyayari. Ayon sa malakas na tinig, pinalilikas na ang mga residente sa ligtas na pook kasama si Kapitan Isidro. Napag-alaman ng batang lalake na ang kanyang ama ay kasama sa labinlimang patay sa sagupaan ng mga kawal at taong- bayan. Tinanong niya ang kanyang ina kung bakit pinatay ng mga sundalo ang kanyang ama ngunit hindi rin alam ng kanyang ina ang sagot sa kanyang tanong dahil sa parehas nilang hinahanap ang kasagutan.
Pinagkuhanan: http://mp20122013.wikia.com/wiki/Bangkang_Papel
Himala
Himala
Hanggang ngayon, marami pa sa mga Pilipino ang naniniwala sa mga pamahiin. Katulad ng mga tauhansa pelikulang ito. Naniniwala silang ang pagkakaroon ng eclipse kono ay katapusan na ng mundo. Isa pa ay ang paniniwala sa mga sumpa. Kapag tagtuyo't o may sobrang tag-ulan sa isang lugar ay itinuturing na isang sumpa.
Malinaw na mali ang mga paniniwalang yaon. Marahil ito ay dahil sa kakulangan sa kaalaman ay kung anu-ano na lang lumalabas sa kanilang mga bibig.
Isa pang isyu ay ang aparisyon na kung saan ay nakakakita daw ang mga piling tao ng mga banal tulad ng Diyos, ang mahal na Birhen at mga Santo. Tayo na mismoang makapagsasabi kung maniniwala tayo o hindi.
Sa pag-unlad ng bayan, hindi ang paniniwala sa mga pamahiin ang kailangan. Dapat kalimutan na natin ang mga ganyang bagay dahil nagiging hadlang lang ito sa pagkamit ng kaunlaran.

Kinagisnang Balon
Kinagisnang Balon
Sa isang bayan ng Tibag ay may balong matagal nang bahagi ng pamumuhay ng mga mamamayan doon. Hindi alam ng mga tao kung kailan pa ito ginawa. Bagamat marami mang mga ugong-ugong ay wala pa ring makapagsasabi kung sino ang gumawa ni kailan pa ginawa.
Si Tandang Owenyong Aguwador ay ang asawa ni Nana Pisyang Hilot. Ang kanilang hanapbuhay ay minana pa sa kanilang mga ninuno. Sila ay may dalawang anak, si Narsing at si Enyang. Si Narsing ay nakapag-aral at ayaw maging aguwador. Gusto niyang baliin ang mga paniniwala ng mga taga Tibag na ang hanapbuhay ay mana-mana lang.
Nakipagsapalaran si Narsing sa Maynila subalit tila mailap ang swerte sa kanya. Bumalik siyang wala manlang pagbabago sa buhay niya. Isang araw, naaksidenta ang kanyang ama at hindi na kayang nitong mag-igib. Dahil na rin sa kagustuhang tumulong ay napilitan siyang mag-igib.
Sa huli, napagtanto niya na hindi nakakahiya ang trabaho ng kanyang ama. Natuwa ang mga mamamayan ng Tibag dahil may bago nang aguwador at dahil doon, sinabuyan ng tubig si Narsing habang nag-iigib dahil sa tuwa.
Ang marangal na trabaho ay hindi dapat ikahiya lalo na kapag alam natin na wala tayong ginagawang masama at wala tayong tinatapakan na ibang tao. Tanggapin natin ang nakatadhana sa atin ng boung puso at dapat lang itong mahalin at pahalagahan.

Feminismong pananaw sa akdang Banyaga
Feminismong pananaw sa akdang Banyaga
Binabasa ang isang akda sa ganitong pananaw sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa pagkakabuo ng mga tauhang babae at mga naging mga dahilan ng kanyang pagbabago. Ang inilalabas sa akda ay ang taglay na kalakasan ng tauhang babae - kanyang paninindigan at paniniwala higit na nakapag-ambag sa kanyang pagbabago.
Inilalabas sa akda ang mga katangian ng babae na nagsisilbing sandigan ng pagkamatatag ng kanyang katauhan. Wala na ang panahon ng martir na tauhang babae sa kilusang Feminismo, bumalikwas ang mga kababaihan. Ang tauhang nililikha ay babaing malakas at may pansariling paninindigan na pagpapatingkad sa kanyang pagiging babae o tao.
Kung binabasa ang akda sa pananaw Feminismo, ang pokus ay ang transpormasyon ng tauhang babae.

Sunday, March 10, 2013
Banyaga
Banyaga ni G. Liwayway Arceo
Ang kwento ay umiikot kay Fely, isang babaeng bumalik sa Pilipinas upang dumalo sa isang palatuntunan na kung saan siya ay ang panauhing pandangal. Inimbitahan siya ni Duardo, ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Sa pagbalik niya, umaasa siyang pwede pang maging sila subalit imposible na dahil may pamilya na si Duardo.

Si Fely ay isang tauhang lapad. Sa kabuuan ng akda ay hindi siya nagbago. Isa siyang babaeng nakipagsapalaran sa ibang bansa. Nagtagumpay siya sa kanyang karera subalit bigo naman sa kanyang buhay pag-ibig. Malaki ang ipinagbagong pisikal ni Fely na naging dahilanng muntikang hindi pagkilala sa kanya ng mga kanayon niya.
Ang maikling kwento na ito ay may Feminismong pananaw. Ipinapakita dito ang mga katangian ng babae na nagsisilbing sandigan ng pagkamatatag ng kanyang katauhan.
Pamana
Pamana |
Repleksyon:
Sa pamagat pa lang ay mapapaisip ka na kung tungkol saan ang tulang ito na isinulat ni Jose Corazon de Jesus. Ito ay isang tulang may nakapaloob na matitinding mga damdamin. Unang basa ko pa lang ay namuo na ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
Sinubukan kong ilagay ang aking sarili sa sitwasyon sa tula. Nandoon ang pagkalungkot, pagkatakot at pangungulila. Naisip ko na agad si mama. Tinanong ko sa sarili " Gaano nga ba kahirap mawalan ng isang ina? ".
Pinaghalong lungkot, takot at pangungulila ang umiikot sa tula. Lungkot at takot sa kung ano mang maaaring mangyari at pangungulila dahil ayaw niyang mawala ang kanyang ina.
Katulad din ng nagsasalaysay sa tula, kung may hihilingin man akong isang bagay, iyon ay ang hindi mawala ang aking ina. Panigurado na kung mawawala siya ay hindi ko makakaya.
Simula't simula palang ay mahalaga na sila kaya nararapat lang na tin silang suklian ng pagmamahal sapagkat lahat ay ginagawa nila para sa atin. Tandaan natin na kahit sa huling hininga nila, iniisip pa rin nila ang pamilya.
Mabuhay ang mga ina!
Saturday, January 12, 2013
Tata Selo
Ang dignidad ng isang tao ay maaaring masira kapag nakagagawa tayo ng kahit isang bagay lang dahil tayo'y may ipinaglalaban. Handa tayong gawin ang kahit ano basta maipaglaban lang ang isang bagay. Pero kahit gaano ka pa nasaktan o naaapektuhan sa mga nangyayari, dapat hindi ka gagawa ng mga bagay na alam mong sa huli ay uusigin ka ng iyong konsensya. Huwag tayong padalos-dalos sa pagdedesisyon dahil masasawi lang tayo kung sakaling mali man.
Simbolo at Pahiwatig
>>>> Ang salitang simbolo ay isang sagisag o tanda ng isang bagay.
* http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_salitang_simbolo
>>>> Hango sa ugat na salitang “hiwatig” na mula sa sinaunang Tagalog, ang “pahiwatig” ay tumutukoy sa paraan ng pagpapaabot ng niloloob o iniisip ng isang tao sa kaniyang kausap sa pamamagitan ng maligoy na pagsasakataga, kung hindi man pagpaparamdam. Kaugnay ng pahiwatig ang matalik na ugnayan at pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang tao na mula sa iisang kultura. Nagiging mabisa ito kung batid kapuwa nag-uusap ang mga dalumat [i.e., konsepto] at talinghaga na pawang taglay ng salita o kilos.
* http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Pahiwatig
Ironiya
Ang Ironiya ay isang uri ng tayutay ng ginagamit ng isang manunulat upang higit na maging masining ang kanyang paglalahad ng buhay sa loob ng kanyang akda. Sa pamamagitan ng tayutay ay napainog ng manunulat ang guniguni ng mga mambabasa.
Karaniwan itong pinipili ng isang manunulat sa kanyang nobela sa kadahilanang ito ay nagpapahayag ng mga hindi sukat akalian. Ang inaasahang pangyayari sa tunay na buhay ay hindi nagyayari.
Tunggalian sa nobela
Isang mahalagang sangkap ng isang nobela ay ang tunggalian. Ito ang siyang nagpapaigting sa paglalahad ng mga karanasang tinipon ng isang manunulat upang mabuo ang buhay na kanyang inilalahad. Ang tunggalian ng nobela ay nahahati sa tatlo:
a. tao sa tao - ipinapakita na ang kasawian ng isang tao ay dulot ng kanyang kapwa
b. tao sa kanyang sarili - ipinapakita naman ng manunulat ang maigting na paglalabang pangkatauhan ng pangunahing tauhan. Nilalabanan ng tao ang kanyang sarili
c. tao sa lipunan - ipinapakita naman ang maigting na pakikibaka ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng lipunang kanyang kinabibilangan
Sa isang akda, may mga bagay na nais ipahiwatig ang may-akda sa loob ng kanyang nobela. Ang pagpapahiwatig ay dinadaan niya sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng mga simbolo. Sa paglalahad ng isang katotohanang nakapaloob sa isang akda. Sa pamamagitan din ng mga simbolong ito ay napipilitang uminog ang mapaglarong guniguni ng mga mambabasa hinggil sa nais sabihin ng manunulat. Sa gayong paraan, nagiging tagumpay ang isa na magsabi ng isang katotohanang nakatago. Nakatutulong din ito sa mambabasa upang gumamit ng kritikal na pag-iisip sa mga gagawin niyang pagpapasya.
Noli me Tangere
" Masama ang manglamang sa kapwa lalo na kapag wala namang ibubuga o mangmang din pala ".
Mabangis na Lungsod
Ito ay tungkol sa masalimuot na buhay ni Adong. Namuhay siyang takot sa kung anong pwedeng gawin sa kanya ni Bruno kapag wala siyang maibigay. Hawak ang buhay niya sa iba. Si Bruno ay isang larawan ng taong walang kwenta at walang magawa sa buhay. Maihahalintulad ito sa mga Pilipinong manggagamit. Walang mapatunayan sa sarili. Nanggagamit ng ibang tao para sa kanyang ikabubuhay. Huwag sana tayong gumaya sa kanya. Maging masikap tayo. Mas masarap sa pakiramdam ang tagumpay o kaginhawaan na sa iyo mismo nanggaling kaysa sa umasa sa iba na hindi naman dapat.
Teoryang Naturalismo
Tinutukoy ang epekto ng kapaligirang marumi, masukal at kasuklam-suklam sa kasiningan ng akda. Ito ang pangunahing teorya na ginamit sa akda.
Sa Pula, sa Puti
Huwag natin iasa ang kinabukasan natin sa swerte. Dapat siguraduhin nating lahat ng ginagawa natin ay may silbi upang hindi tayo magsisi sa huli. Dapat maging responsable tayo. Ang mga masasamang bisyo ay dapat ng iwasan tulad ng pagsusugal. Hindi dapat asahan ang mga ganyang bagay at masasayang pa ang panahon natin sa walang kabuluhan. Hindi pa naman naibabalik ang oras.
Ang papa ko dati ay mahilig tumaya sa lotto. Ngunit napagtanto niya na bigo palagi ang naaabot niya. Naisip niya na kung ang perang ipinangtaya niya ay idagdag na lang sa mga gagastusin namin, mas nakakatulong pa.
Tayo ay binigyan ng isip upang mag-isip hindi ng mga masasama ngunit ang mga nakabubuti.
Banaag at Sikat
Sa pamagat pa lang ay masasabi ko na makukuha na agad ng mga mambabasa ang paksa ng nobelang ito. Ang nakuha kong aral ay, " pagkatapos ng gabi ay may isang araw na naman ", isang araw na puno ng pag-asa. Nangangahulugan lamang na lahat ng suliranin ay may kaakibat na solusyon. May bagong liwanag na darating. Huwag tayong agad-agad sumusuko sapagkat hindi tayo nakatira sa mundong ito para magsaya lang habangbuhay. Kailangan din nating makaramdam ng sakit. Ang mga pagsubok ay parte na ng buhay natin at kailanman ay hindi mawawala 'yun. Maging matapang tayo sa lahat ng panahon upang handa tayo sa bawat hamon ng buhay.
Isa sa mga pagsubok na napagdaanan ng aming pamilya ay nu'ng nagkasakit ng malubha ang aking papa. Dumating sa punto na kahit anu pang gawin namin ay tila wala na talagang pag-asa. Hinang-hina na siya nu'n. Nagbilin na siya ng mga payo sa amin. Ngunit ang ginawa ko, umalis ako ng bahay at pumunta ako sa mga nagkakatay ng baboy na medyo malayu-layo sa amin. Ayaw kong malungkot, nagawa ko ngang ngumiti ngunit hindi ko talaga matakasan ang sinasabi ng puso ko na kailangan kong bumalik sa bahay. Hindi naman kami pinabayaan ng Diyos dahil hanggang ngayon, malakas pa siya. Naghahanapbuhay siya para sa amin. Kailangan lang magtiwala sa kanya.
Teoryang Pormalismo
Nilalayon ng teoryang ito ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo o istruktura ng akda. Sinusuri nito ang nilalaman, kaanyuan o kayarian ng pagkakasulat. Nakapaloob din dito ang istilo ng may-akda.
Kung maikling kwento ang genre ng literaturang tinatalakay, kinakailangang masuri ang mga sumusunod:
1. tema o paksa
2. suliranin
3. tauhan
4. tagpuan
5. banghay
simula-------------------tunggalian----------------kasukdulan----------------
kakalasan--------------------wakas
Balangkas ng maikling kwento
() Nagsisimula sa saglit na kasiyahan na di kalayuan sa simula. Ang saglit na kasiglahan ang siyang pumupukaw sa pananabik ng mga mambabasa. Mula riyan, ang galaw ng mga pangyayari ay " pataas ng pataas " hanggang dumating sa " kasukdulan " na kaagad namang sinusundan ng kakalasan. Mula sa kakalasan ay pababa na ang galaw ng kwento hanggang sa sumapit sa wakas.
Elemento ng maikling kwento
Paksang-diwa
]> Pinakapuso ng akda; mensaheng inilalahad ng maikling kwento
Tauhan
]> Mga gumaganap sa akda; nagbibigay buhay sa akda
Tagpuan
]> Lugar at panahon na pinangyarihan
Banghay
]> Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
Banghay ng Maikling Kwento
Panimula
* Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa
Saglit na kasiglahan
* Panandaliang pagtanggap ng mga tauhan ng mga nasasangkot na problema
Suliranin
* Problemang haharapin ng tauhan
Tunggalian
* Ang pakikipagtunggali ng tauhan sa akda
* May apat na uri: tao sa tao; tao sa sarili; tao sa lipunan; at tao sa kalikasan
Kasukdulan
* Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban
Kakalasan
* Tulay sa wakas
Wakas
* Ito ay resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento
Monday, January 7, 2013
Ang Kalupi Benjamin Pascual
Mataas
na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang
lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng
bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!"
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e."
"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.
Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
"Bakit ho?" anito.
"E. . .e, nawawala ho ang aking pitaka,"
"Ku, e magkano ho naman ang laman?"
"E, sandaan at sampung piso ho."
Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig.
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong pitaka"
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod.
"Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata.
"Andres Reyes po."
"Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis.
Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali." Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag hihintay.
"Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Angbisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.
"Napahiyaw ang bata sa sakit."
Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na daan.
Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapag- angat ng paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta.
"Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong pitaka!"
Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.
"Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis.
Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi na. Tanghali na sya ay umuwi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?
"E. . . e," Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama.
"Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa
"Ang pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo at kumuha ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo nyan?"
Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta ang isang batang payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At tuluyang nawalan ng malay."

Pinagkunan: http://tl.answers.com/Q/Buod_ng_maikling_kwentong_Ang_Kalupi_ni_Benjamin_Pascual
Repleksyon
“ Huwag husgahan ang aklat
sa kanyang pabalat “ , wala tayong karapatan na manghusga ng tao dahil tao lang din tayo tulad nila. Hindi tayo perpekto
upang gawin ang mga bagay na ito. Baguhin na ang mapanirang isipan, malalang
bibig, at masamang ugali. Tayo bilang tao ay kailangang matutunan ang
pagpapahalaga sa sarili at sa iba. Wala ng husgahan lalo na sa panlabas na anyo
dahil lahat ng ginawa ng Panginoon ay mahalaga sa kanya kaya kung nilalait mo
ang iba, hindi mo rin siya pinapahalagahan, ang mismong gumawa sa iyo.
Subscribe to:
Posts (Atom)