Friday, March 15, 2013

Mga aralin sa Ikaapat na Markahan: Marso 14,2013     Ngayon ay ang unang araw ng pa...

Mga aralin sa Ikaapat na Markahan: Marso 14,2013

     Ngayon ay ang unang araw ng pa...
: Marso 14,2013      Ngayon ay ang unang araw ng pagsusulit: Mapeh, Chemistry, Values, Filipino. Ang hirap ng Mapeh! Dumugo utak ko du'n...
Marso 14,2013

     Ngayon ay ang unang araw ng pagsusulit: Mapeh, Chemistry, Values, Filipino. Ang hirap ng Mapeh! Dumugo utak ko du'n a. Kahit pa nagbalik-tanaw ako sa mga aralin namin, nakalimutan ko naman 'yung iba. Nakakainis! Medyo nadalian naman ako sa Chemistry at Values. Pero sa Filipino? hahahah... sumakit din utak ko sa kakaintindi sa mga salita. Nahirapan akong mag-analisa sa mga tanong. Ano kayang resulta o mga score du'n?

Marso 15,2013

Huling araw ng pagsusulit! Hindi pa rin ako tapos sa blog ko.
Kanina ay hindi na ako masyadong abala sa pagsasagot kasi may dalawa na akong exempted na eksam. Salamat naman! Matapos lang lahat ng ito, pasasayahin ko naman sarili ko. Pagod na kasi e. Para magkaroon naman ulit ng buhay. Hahaha... Mamimiss ko lahat ng mga guro na nakasama ko sa loob ng sampung buwan. Salamat sa mga paghihirap nila sa amin. Kami man ay makukulit at pasaway ay nandyan pa rin sila para sa amin ano man ang mangyari. Isa silang malaking biyaya na dumating sa buhay ko. Utang ko sa kanila ang mga kaalaman na natutunan ko. Hinding-hindi ko sila makakalimutan.
Mabuhay ang mga guro!

* Gng. Norbie Angeles
* Bb. Rutchelle Nacolanga
* Bb. Rosa Tayamora
* G. Manuel Inahid
* Gng. Marvilyn Mixto
* G. Arnel Espina
* Gng. Socorro Cabrera
* Gng. Mary Ann Manlagnit

Salamat po sa inyo!




Talaarawan

Enero 14, 2013

Lunes…

       Inantok na naman ako sa klase kanina. Paano naman kasi, hindi nakatulog ng maaga kanina.
       Masaya ako dahil nagkakulitan kami ni Bhugx Garcia. Hay naku! Halos mabaliw na ako sa mga kalokohan nila ni Gabin. Kapag pinagsama talaga ang dalawang ‘yun, sasakit tiyan mo sa kakatawa. Kahit corny minsan pero Masaya naman.
       Hindi parin ako makatulog ngayon sa kakaisip sa mga kalokohan nila. Pero kahit gusto kong tumawa ngayon nang pagkalakas-lakas, ayaw kong gawin ‘yun baka kung ano na’ng isipin ni mama. Nandito pa naman siya ngayon sa harap ko,nagluluto.
       Sige, salamat dahil inantok na ako sa pagsasalaysay ng mga nangyari. Matutulog na ako, bukas ulit.


Enero 15,2013

Martes …

       Nakakainis gamitin ang mga cellphone na matagal ng nabuhay, matanda at ‘yung tipong masisira na siya. Hindi ko na nababasa ulit ang mga mensaheng naipadala ko na. Naghahalo-halo ba naman ang mga mensahe. Wala na akong naintindihan.
       Kanina pala, namroblema na naman ako tungkol du’n sa maikling pelikula namin. Hindi pa rin kami nakagawa ng iskrip. Nakakalimutan ko rin naman sa kanilang ipaalala. Sa unang lingo pa naman ng Pebrero ‘yun. Malapit na.
       Hayaan mo bukas magpaplano na kami ng mga kagrupo ko.

Enero 16, 2013

Miyerkules …

    Natupad nga ang gusto ko kanila. Nakapagplano na kami. Mayroon na kaming camera na gagamitin, at dalawa pa. Tapos na ang iskrip.
   Sa plano naming nabuo, naisip naming na araw-araw, susubukan naming makapagkuha na ng bidyu kahit pa maikli lang para mas mapadali ang lahat.
   Kanina nga ay pina “photocopy” ko na ang  iskrip. Pinabasa ko ito sa mga tauhang gaganapng may buhay. Medyo kulang pa. Aaaminin ko naman na hindi ako masyadong magaling umarte pero alam ko kuna paano ang tamang pagbigkas dahil gabi-gabi ako nanonood ng mga teleserye, mapadrama man o komedya.
    Bukas sana nga masimulan na naming.

Enero 17, 2013

Huwebes…

   Nasimulan man ang araw ko na masaya ngunit bigla namang nasira ito pagkatapos kong nalamang naiwan ng karamihan sa mga pangunahing “character” o tauhan ang mga iskrip nila. Hindi lang dahil du’n ang problema, ni isa man lang sa dalawang camera ay walang nadala? Ilang beses ko kayang pinaalala sa kanila.
   Tama na sa pagkagalit sa kanila, wala na akong magagawa. Tinawanan ko na lang kanina. Kahit pa ganu’n ang ginawa nila, hindi ako ‘yung tipo ng taong nagtatanim ng sama ng loob.
   Bentang – benta talaga sa akin ‘yung mga kalokohan ni Molina kanina. Inaasar kasi naming si Badion kanina.
Sige, mauna ako ha?


Enero 18,2013

Biyernes…

          Tawanan ang pagkadismaya!
     “ Hay naku, bigo na namang makapagsimula,” ang sabi ko sa sarili. Galit na naman ako. Ano ba ‘yan? Araw – araw na lang ba akong ganito? Nakakainis! Umaga pa lang e, ganun agad.
     Pagkatapos namin sa Filipino ay “breaktime” na. Doon pa nila sinabi sa akin na may camera pala at handa na kami para sa pagkukuha ng bidyu. Hindi ko maintindihan ang kung anong emosyon ang dapat kong maramdaman. Natawa ako sa sarili ko. Sabi kasi nila, masarap daw akong galitin dahil hindi daw ako marunong magalit. Ganu’n pala iyon. Sabi pa ni Maricar, para daw akong may period araw- araw kasi daw masungit at madali lang magalit. Ganun talaga dahil bilang isang lider, kailangan mong kumilos para sa pangkat mo.
     Paalam! Bukas ulit.

Enero 19,2013

Sabado…

     Kahapon nga, may nagawa na kami. Si Banares ang Aling Marta; si Cerbo naman ay si Andres; at si Austria ay si Aling Gondang. Maganda naman ang nagawa o nasimulan naming subalit, kanina sa dapat na “praktis” namin ay kulang-kulang. Iniwan ko pa naman si mama dahil lang du’n, hindi ko tulog natulungan si mama sa pagsasampay. Alam ko kasi na pagod na rin siya.
     Ganunpaman, kahit konti ya nagkaroon naman ng saysay ang araw ko. Sana sa Lunes ay mabago naming at mas pagtutuunan ko ng pansin ang mga pangunahing tauhan. Si Scottie kasi kanina wala e. Mas inuna niya ang ibang gawain. Kumusta kaya ang ibang pangkat, nakabuo na kaya sila?

Enero 20,2013

Linggo…

     Sobrang naramdaman ko ang pagmamahal ng Panginoon sa akin dahil sa mga biyaya sa buong linggong lumipas. Iyon ay ang aking patuloy na ipinagpapasalamat.
     Sa bawat pagkanta ko ay damang-dama ko ang presensya Niya sa buhay ko. Napakasarap na magpuri sa Kanya. Kanina, isa na naming napakahalagang mensahe ang narinig ko. Sana nga ay maisabuhay ko ang lahat ng iyon.
     Pagkauwi ng bahay ay nagpahinga ako agad. Pagkatapos mamahinga ay ginugol ko ang oras sa pag-aayos ng mga gamit sa eskwela upang maayos na ang loob ng bag at handang- handa na pagpasok bukas.
“ Walang imposible sa taong responsable “.

Enero 21,2013

Lunes…

     Nagpalit kami ng mga tauhan kanina sa pelikula na “ Ang Kalupi “. Si Aquino na ang Aling Marta; Cerbo bilang Andres Reyes pa rin; Aling Gondang ay si Celedonio; Badion ay ang asawa ni Aling Marta.
      Sa una ay nahirapan kaming damitan si Kaycee dahil ‘yung damit na ginamit ni Kim sa unang “ shooting “ ay hindi alam ni Canchela kung saan ito inilagay ng kanayang mama. Bagay pa naman ‘yun sa diskripsyon ni Aling Marta. Sa ilang minutong paghahanap ay may nakita rin kami. Medyo may pagkamoderno nga lang.
      Nakailang ulit kami dahil sa mga mali at tawanan. Nahirapan kaming ipagtambal ang mag-ama sa kwento (Banares at Badion) dahil puro tawanan, sila pa naman ang simula.
      Nabuo rin naming ang unang eksena. Nakakapagod!
     Sige, pahinga muna ko, may tatapusin pa e.

Enero 22,2013

Martes…

    Wala munang “ shooting “ para sa maikling pelikula. May mga ibang gawain pa sa ibang asignatura na kailangang tapusin.
    Nangangamba na ako at natatakot nab aka hindi kami makapagpasa ng “ Science Investigatory Project “ sa 31.
     Natutuwa ako sa ibang mga pangkat dahil may nabubuo na silang mga konsepto samantalang kami ay nagsasagawa pa lamang ng sarbey. Hindi bale na, basta gagalingan namin sa pagdedepensa sa mga darating na mga araw.
     Gulong – gulo na ako kung anon a ang uunahin ko. SIP, maikling pelikula o MTV sa Values?
     Sana sumagot ka. Hahahaha…. Patawa, umasa pa ako.

Enero 23,2013

Miyerkules…

     Hindi kami tapos sa SIP namin. Natatakot na ako baka hindi naming maipasa. Wala pa kaming matibay na konsepto. Paano puro tawanan lang.
    Kanina, si papa ay sumayaw. Sinamahan pa siya ni bunso. Nakakatawa silang mag-amang parehas ng gusto. Parehas ding hindi marunong sumayaw. Makapintas akala mo magaling din sumayaw e.

Enero 24, 2013

Huwebes…

     Kaarawan ng kapatid ko na si Kaye. Naghanda sina mama ng konting salu-salo. Masaya naming pinagsaluhan ang mga masasarap na pagkain na niluto ni mama.
     Masaya ako para sa kanya. Sana magtuloy-tuloy ang mga biyaya na matatanggap niya. Sana maging mabait na rin akong ate sa kanya at maging mabait na rin siya sa akin para Masaya.

Enero 25, 2013

Biyernes…

     Ang saya ng P.E. namin kanina. Masaya talaga akong kada Biyernes ay may P.E. kami dahil natuto talaga ako sa mga pinagagagawa namin. Masarap sa pakiramdam ang mag-ehersisyo dahil ramdam mo na lalakas ka talaga. Bagamat nakakapagod pero sulit naman.

Enero 26, 2013

Sabado…

     Nagkaroon na naman kami ng panahon ni mama upang magkwentuhan. Tinulungan ko siyang maglaba ng mga damit naming. Masaya ako dahil nakakapagkwento ako sa kanya at nasasabi ko na ang nais kong sabihin. Malaking biyaya siya sa amin. Ang dami ng ga nagawa niyang ikabubuti sa pamilya naming. Katulad sa Pamana ni Jose Corazon de Jesus ay kung hihilingin man ako ay ‘yung hindi siya mawala sa amin.

Enero 27,2013

Linggo…

      Nagsimba kami kanina at marami na man akong natutunan. Masaya kaming nagkantahan para sa Panginoon.
      Pagkatapos, nang umuwi kami ay nagp[ahinga ako ang sandal. Pagkagising naman ay binanlawan ko ang mga uniporme naming nakababad. Ngayon, tayo na kaya magpaplantsa na kao. Maiwan mun kita, paalam!

Enero 28, 2013

Lunes…

      Hindi parin kami makapagdesisyon sa SIP namin. Ang gulo kasi e. Ang dami naming suhestiyon ngunit may mga problema naman kaming nakikita. Sa katapusan pa naman ang pasahan nu’n.
    Kanina rin pala ay napanood ko ang showtime. Ang saya! Talagang mapapahagikhik ka sa mga kalokohan nila. Lalo na si Vice na sobrang matalino pagdating sa pagpapatawa.

Enero 29,2013

Martes…

      Kanina ay nandito sa bahay sina Banares, Garcia, Canchela, Graniel at huling-huli ay sina Aquino at Gallardo.
    Kasama ko ‘yung apat na babae sa pagpapasya sa paggawa ng SIP namin. Nakabuo na kami ng konsepto ngunit hindi siya ganu’n katibay.
     Sina Kaycee at Ian naman ay naki-epal lang sa amin. Bumili sila ng pintura para sa T.L.E. namin
 bukas.


Enero 30,2013

Miyerkules…

Mabuti naman at nagawa at natapos ko na ang mga konseptong napag-usapan naming. Inilagay ko na siya sa putting papel.
Sakit sa kamay ang magtype sa kompyuter. Hindi naman pwedeng magpahinga dahil masasayang ang oras.
Kasama ko si Kim kanina ngunit nauna rin siya sa aki. Nag-update siya ng blog.


Enero 31,2013

Huwebes…

     Araw na ng pasahan ng SIP!
Masaya ako na nakapagpasa kami nang nasa oras. Kinakabahan naman ako, baka mali ang nagawa namin. Kakausapin daw lahat ni ma’am ang mga nagpasa e.
     Sana nga ay maipaliwanag ko ng mabuti sa Lunes. Kinakabahan na ako a!


Pebrero 1, 2013

Biyernes…

     Nagkaroon na naman kami ng P.E. kanina. Masarap na naman sa pakiramdam na gumalaw-galaw ang katawan mo.
Kanina nakakatuwa si Badion dahil nakisabay siya sa mga kalokohan namin. Mas tumawa pa kami sa mga hirit niya.Inasar namin siya ng “polkadots” dahil sa mga tagiyawat sa kanyang mukha. Sinasakyan naman niya iyon. Hindi siya nagalit. Hahaha!

Pebrero 2, 2013

Sabado…

      Pinaghandaan ko naman kanina ang mga sasabihin namin ng mga kagrupo ko kapag tanungin ni ma’am Manlagnit kung sakali.
      Mahirap magsaliksik ng mga ideya. Sana nga makatulong ito ng kahit konti.

Pebrero 3,2013

Linggo…

      Nagsimba kami kanina nila kuya. Ang saya ng pagtitipon-tipon namin. Nagkantahan at nagkakulitan kami. Sabik akong kumanta ng mga dating awitin namin subalit hindi nila alam dahil sa simbahan namin dati sa Bohol ko iyon natutunan.
      Kanina rin ay pinaplantsa ko na ang mga uniporme namin pero  kay mama ‘yung mga palda para maunat at maganda tingnan. Tinapos ko naman ang mga “ blouse “.

Pebrero 4,2013

Kanina nga ay pumunta kami kay Ma’am Manlagnit ayon sa napagkasunduan. Mabuti na at hindi kami masyadong piniga ng mga katanungan. Medyo may mga problema pero kaya naman solusyonan.
Hindi na ako mapakali para bukas. Magkakaroon ng Science Fair sa Ynares Center.

Pebrero 5,2013

       Ang dami ko talagang natutunan sa Science Fair kanina. Sobrang saya ko na nakadalo ako sa ganoong klase ng pagtitipon. Marami pa kaming nakasabay na taga ibang paaralan.
      Sana nga ay magkaroon pa sa susunod. Maraming mga ideya ang nadagdag sa utak ko. Magagaling din ang mga estudyante sa Philippine Science High School. Ang tatalino nila!

Pebrero 6, 2013

      Kahapon pala ay kaarawan ng ate, panganay namin. Binati ko siya at nagpasalamat naman siya. Gustong-gusto ko na siyang makita. Gusto ko na marinig ang boses niya ng harapan. Pinapagalitan kasi ako nu’n e.
      Kanina ay pumunta kami sa bahay ng tita ko. Masaya dahil binantayan ko ‘yung dalawang makukulit. Si Pia at Iya.

Pebrero 7, 2013

     Nakachat ko si kuya Pat sa Facebook kanina at may sinabi siya sa akin. Magpakabait daw ako at may ibibigay siya sa akin. Masaya ako at palagi kong sinasabi iyon kay mama. Uuwi daw si kuya sa Sabado. Hala! Ang saya ko! :)

Pebrero 8, 2013

    Bukas na pala dadating si ate dito sa Maynila. Lalaban siya sa pagalingan sa pag –awit na gaganapin naman sa Pangasinan. Sabik na akong makita siya. Galing pa silang probinsiya. Siya ang kakatawan para sa Rehiyon 7. Bago siya umuwi ay titira muna siya sa bahay ng mga ilang araw.
   O siya, pagod na ako e. may P.E. kasi kanina. Salamat kay kuya sa cellphone na ibinigay niya sa akin. Nakakapagpadala ako ng mensahe sa mga kamag-anak ko sa ibang lugar. Nu’ng nakaraang lingo pa ito ibinigay sa akin subalit ngayon ko lang sinabi kasi ngayon ko lang naalala e. Pasensya.

Pebrero 9, 2013

   Naiwan kami ng kapatid ko ngayon dito sa bahay. Sinundo nila mama, papa, bunso at kuya si ate. Si mama’t bunso ay sasama kay ate sa Pangasinan. Mga ilang araw din silang hindi uuwi. Masaya naman akong nakarating si ate ng ligtas. Nagbarko sila galling pang Cebu. Sana manalo siya. Kaya niya iyan, nag champion nga siya sa Regional e.


Pebrero 10, 2013

    Unang araw na wala si mama. Gumising ako ng maaga at inutusan ako ni papa na magluto ng scrambled eggs. Nakakahiya talaga dahil hindi naluto ‘yung kamatis. Pero kahit ganu’n, kinain din naman nila iyon. Wala silang magagawa e.
   Nagsimba kami ng mga kapatid ko at nakauwi naman ng ligtas.


Pebrero 11, 2013

Lunes…
    Pangalawang araw nang wala si mama. Mahirap talaga kapag awlang ina. Ako kasi ang panganay na babae.
    Unang beses o unang pagkakataon kong makapagluto dahil kailangan. Magluluto n asana ako ng adobo nang inagawan ako ni kuya. Siya na lang ang nagluto.

Pebrero 12, 2013

    Pangatlong araw na wala si mama. Kanina ay ang unang beses kong makapagluto ng sinigang. Natuwa naman ako dahil ito’y masarap. Tagumpay!
    Bago ako nagluto, namalengke muna ako ng mga sangkap. Hindi ko talaga alam ang mga rekado. Ang ginawa ko, inalala ko na lang ang mga nilalagay ni mama kapag nagsisinigang siya.

Pebrero 13’2013

    Ikaapat na araw na wala si mama. Hay, buti na lang ay nandito na sila bukas. Hindi talaga ako makapaghintay sapagkat sabik na akong makita si ate, si mama at bunso.
    Ang dami ko pang lilinisin. Ayaw kasi ni mama na maraming kalat e. Hindi ako makatulog sa paghihintay. Sana ay antukin ako para magkaroon naman ng lakas bukas.
   HoO! Walang pasok bukas dahil may pagsusulit ang mga estudyante sa ikaapat na taon.

Pebrero 14,2013

Walang pasok +
Nakita ko na si ate, mama, at bunso +
Malinis ang bahay =
Masaya! J J J
   Wala munang  Valentines kasi nag-aaral pa e. “ Sa tamang panahon na lang Amor”, ang sinabi ko sa text nu’ng inalok niya akong mag date, daw? Wahahaha… wala pa sa isip ko ‘yan.

Pebrero 15,2013

   Walang pasok ulit dahil sa dalawang araw na pagsusulit ng mga “4th year”. Nagkantahan kami nila ni kuya at ate. Ang ganda talaga ng boses ni ate. Wala talaga ako kumpara sa kanya. “ Partida “ habang nagluluto ay kumakanta.
Kaya ko rin ‘yon! ‘yun nga lang kapag natuto na akong magluto.     Hahahaha…
   Ang saya talaga ng araw ko.

Pebrero 16,2013

Sabado…

    Walang magawa ang mga tao dito kanina. Magkantahan ba naman ulit? Ayos lang, hindi naman sabog ang mga kumakanta e. Sana nga ay hindi maingayan ang mga kapitbahay. Habang kumakanta si ate ay kinuhanan ko siya ng video para kung sakaling umalis na siya ay nakikita ko pa rin siya at marinig ang magandang boses niya. Hay, malulungkot na naman ako nito. Ayoko na nga isipin ‘yun. Huling gabi na pala ni ate ngayon. Nakakalungkot talaga. Bukas ihahatid na siya. Hindi kasi siya pwedeng magtagal dahil magjujudge pa siya ng Olympic sa paaralan nila.

Pebrero 17,2013

   Maaga akong nagising. Maaga rin namang nalungkot. Umalis na si ate kanina. Nakakamiss naman siya. Kahit konting panahon lang na kami’y nagkasama-sama pero nagpapasalamat pa rin ako sa kakaunting panahong iyon an nakasama naming siya.
   Tuloy pa rin ang araw ko. Nagsimba kami ng mga kapatid ko. Pinagdasal ko ang kaligtasan niya sa barko.
Sige, tulog na ako. May pasok pa bukas e.



Thursday, March 14, 2013

Teorya sa Noli me Tangere



  1. Klasisismo
                             * Katotohanan
                             * Kagandahan
                             * Kabutihan

                         ( Karanasan ng isang Guro )

    2.   Realismo
                        ( Ito ay nasa kabanata na kung saan ay hinanap ng mga malulupit na guwardiya sibil si Sisa upang malaman ng mga ito ang kinaroroonan ni Basilio at Crispin)

* Ang pagiging malupit ng mga sibil ay sinasabing isang halimbawa ng Realismo sapagkat ito ay maihahalintulad sa mga taong may posisyon ngayon sa lipunan na ginagamit ang kapangyarihan upang gawin ang nais nilang gawin na kung tutuusin ay labag sa lahat ng anong uri ng mga batas.

                        ( Kasaysayan ng isang Ina )

    3. Naturalismo
                        Marumi ang mundo. Maraming kasuklam-suklam na pangyayaring gawa ng tao.Natural sa tao ang manakit ng kapwa lalo na kung ito ay mahina at walang lakas lumaban. Ito ay nagpapatunay na ang buhay ay mabangis, karumal-dumal at walang awang kagubatan.
* Ito ay ang panahon na kung saan si Don Rafael ay ipinakulong sa salang 'di niya ginawa. Lahat ng mga inggit sa kanya ay nagsipaglabasan sa pangunguna ni Padre Damaso, ang matalik niyang kaibigan ngunit isang lihim na kaaway.
                   
                        ( Erehe at Filibustero )

    4. Eksistensyalismo
                         Pagsusuri sa batay sa kanyang kilos, paniniwala,gawi at paninindigan. Pinapahayag din sa teoryang ito ang istilo na ginamit ng manunulat at mga bahaging nagpapakita ng malayang kaisipan.
* Nakita ang paninindigan ng dalawang panig: Ang Sakristan Mayor at ang magkapatid na sina Crispin at Basilio. Gustuhin man ni Basilio na ipagtanggol ang kapatid upang walang magyaring masama ngunit wala siyang magawa.Sa pangangatwiran siya nakitaan ng paninindigan.

                       ( Mga Sakristan )

Feminismo

Maria Clara

          Isang babaing walang sariling tauhan at hindi makagawa ng sariling kapasyahan na naging sanhi ng kanyang ibayong paghihirap at kasawian.

Sisa

          Isang babaing mapagtiis na dala ng kahinaan ay patuloy na dumaranas ng kapighatian.

Donya Consolacion

          Isang babaing tampulan ng paglibak na rin ng kanyang sariling kagutuhan.

Donya Victorina

          Isang babaing hindi makayang makilala ang sariling katauhan dahil sa matinding kagustuhang kalimutan.

Paggawa ng Rebyu

Paggawa ng Rebyu

1. Pamagat

2. May-akda / Direktor / Kompanya

3. Uri ng panitikan

4. Tauhan

5. Buod ng kwento o Synopsis

6. Mga puna


       Dapat tandaan na ito ay isinulat ng patalata kaya ang mga sumusunod ang dapat bigyang pansin  sa pagbuo ng rebyu.

        Ang paggawa at pagsulat ng isang rebyu ay isang napakalaking gawain ngunit makabuluhan.Natutulungan ng isang gumagawa ng rebyu ang mambabasa o manonood  upang manamnam nang husto ang akdang babasahin o papanoorin sa kabilang banda naman, natutulungan din niya ang may akdang pagkilala.

     Ang rebyu ng pelikula ay isang pagbibigay puna sa mga bahaging bumubuo at sa ilang teknikal na aspeto nito.

Rebyu


Rebyu

* Isang pagkilatis sa binasa o pinanood na kada; layunin nitong linawan ang nilalaman ng akda para sa mambabasa o manonood.

* Ang paggawa ng rebyu ay hindi pamimintas. Hindi kahinaan lamang ng akda ang inilalahad ng sumusulat ng rebyu. Nararapat lamang ng isang manunulat na paggawa ng rebyu na walang kinikilingan. Hindi siya dapat marahuyo sa sabi-sabi ng iba. Ang kanyang layunin ay wagas hinggil sa akdang nirerebyu.

Bangkang papel

  
Bangkang Papel


 Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakikita siya ng mga bangkang papel. Isang batang lalake ang nagising sa malakas na dagundong at nakasisilaw na liwanag subalit napagtanto niyang walang pumapatak sa kanilang bubungan. Hinanap niya ang kanyang ama sa kanyang ina ngunit pinatulog lamang siya nito sapagkat magpapalutang pa siya ng bangkang papel bukas.

   Subalit hindi niya napalutang ang mga bangkang papel dahil paggising niya ay nakita niya ang kanyang inang nakalugmok sa sahig habang hinahaplos- haplos ang buhok ng kanyang kapatid na si Miling. Napakaraming tao sa paligid at wala ni isa man sa kanila ang nagpaliwanag sa kanya sa nangyayari. Ayon sa malakas na tinig, pinalilikas na ang mga residente sa ligtas na pook kasama si Kapitan Isidro. Napag-alaman ng batang lalake na ang kanyang ama ay kasama sa labinlimang patay sa sagupaan ng mga kawal at taong- bayan. Tinanong niya ang kanyang ina kung bakit pinatay ng mga sundalo ang kanyang ama ngunit hindi rin alam ng kanyang ina ang sagot sa kanyang tanong dahil sa parehas nilang hinahanap ang kasagutan.



Pinagkuhananhttp://mp20122013.wikia.com/wiki/Bangkang_Papel

Himala

     Himala


 Hanggang ngayon, marami pa sa mga Pilipino ang naniniwala sa mga pamahiin. Katulad ng mga tauhansa pelikulang ito. Naniniwala silang ang pagkakaroon ng eclipse kono ay katapusan na ng mundo. Isa pa ay ang paniniwala sa mga sumpa. Kapag tagtuyo't o may sobrang tag-ulan sa isang lugar ay itinuturing na isang sumpa.

     Malinaw na mali ang mga paniniwalang yaon. Marahil ito ay dahil sa kakulangan sa kaalaman ay kung anu-ano na lang lumalabas sa kanilang mga bibig.

     Isa pang isyu ay ang aparisyon na kung saan ay nakakakita daw ang mga piling tao ng mga banal tulad ng Diyos, ang mahal na Birhen at mga Santo. Tayo na mismoang makapagsasabi kung maniniwala tayo o hindi.

     Sa pag-unlad ng bayan, hindi ang paniniwala sa mga pamahiin ang kailangan. Dapat kalimutan na natin ang mga ganyang bagay dahil nagiging hadlang lang ito sa pagkamit ng kaunlaran.

Kinagisnang Balon

Kinagisnang Balon

        Sa isang bayan ng Tibag ay may balong matagal nang bahagi ng pamumuhay ng mga mamamayan doon. Hindi alam ng mga tao kung kailan pa ito ginawa. Bagamat marami mang mga ugong-ugong ay wala pa ring makapagsasabi kung sino ang gumawa ni kailan pa ginawa.
     Si Tandang Owenyong Aguwador ay ang asawa ni Nana Pisyang Hilot. Ang kanilang hanapbuhay ay minana pa sa kanilang mga ninuno. Sila ay may dalawang anak, si Narsing at si Enyang. Si Narsing ay nakapag-aral at ayaw maging aguwador. Gusto niyang baliin ang mga paniniwala ng mga taga Tibag na ang hanapbuhay ay mana-mana lang.
     Nakipagsapalaran si Narsing sa Maynila subalit tila mailap ang swerte sa kanya. Bumalik siyang wala manlang pagbabago sa buhay niya. Isang araw, naaksidenta ang kanyang ama at hindi na kayang nitong mag-igib. Dahil na rin sa kagustuhang tumulong ay napilitan siyang mag-igib.
     Sa huli, napagtanto niya na hindi nakakahiya ang trabaho ng kanyang ama. Natuwa ang mga mamamayan ng Tibag dahil may bago nang aguwador at dahil doon, sinabuyan ng tubig si Narsing habang nag-iigib dahil sa tuwa.
     Ang marangal na trabaho ay hindi dapat ikahiya lalo na kapag alam natin na wala tayong ginagawang masama at wala tayong tinatapakan na ibang tao. Tanggapin natin ang nakatadhana sa atin ng boung puso at dapat lang itong mahalin at pahalagahan.

Feminismong pananaw sa akdang Banyaga

Feminismong pananaw sa akdang Banyaga

      Binabasa ang isang akda sa ganitong pananaw sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa pagkakabuo ng mga tauhang babae at mga naging mga dahilan ng kanyang pagbabago. Ang inilalabas sa akda ay ang taglay na kalakasan ng tauhang babae - kanyang paninindigan at paniniwala higit na nakapag-ambag sa kanyang pagbabago.
      Inilalabas sa akda ang mga katangian ng babae na nagsisilbing sandigan ng pagkamatatag ng kanyang katauhan. Wala na ang panahon ng martir na tauhang babae sa kilusang Feminismo, bumalikwas ang mga kababaihan. Ang tauhang nililikha ay babaing malakas at may pansariling paninindigan na pagpapatingkad sa kanyang pagiging babae o tao.
      Kung binabasa ang akda sa pananaw Feminismo, ang pokus ay ang transpormasyon ng tauhang babae. 

Sunday, March 10, 2013

Banyaga

Banyaga ni G. Liwayway Arceo 


     Ang kwento ay umiikot kay Fely, isang babaeng bumalik sa Pilipinas upang dumalo sa isang palatuntunan na kung saan siya ay ang panauhing pandangal. Inimbitahan siya ni Duardo, ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Sa pagbalik niya, umaasa siyang pwede pang maging sila subalit imposible na dahil may pamilya na si Duardo.
     Si Fely ay isang tauhang lapad. Sa kabuuan ng akda ay hindi siya nagbago. Isa siyang babaeng nakipagsapalaran sa ibang bansa. Nagtagumpay siya sa kanyang karera subalit bigo naman sa kanyang buhay pag-ibig. Malaki ang ipinagbagong pisikal ni Fely na naging dahilanng muntikang hindi pagkilala sa kanya ng mga kanayon niya.

    Ang maikling kwento na ito ay may Feminismong pananaw. Ipinapakita dito ang mga katangian ng babae na nagsisilbing sandigan ng pagkamatatag ng kanyang katauhan.

Pamana


       Pamana



Mga Damdamin:


      * Pagkalungkot

    * Pagkatakot

    * Pangungulila




                                          
                                                      Mga Kaisipan:


    ~~~   Binibigyang pansin ang kahalagahan ng ina;


   ~~~   Ang tahanan ay walang saysay kung walang mga magulang;


   ~~~   Mahirap mawalan ng magulang
   

Pamana

Pamana
Repleksyon:

                Sa pamagat pa lang ay mapapaisip ka na kung tungkol saan ang tulang ito na isinulat ni Jose Corazon de Jesus. Ito ay isang tulang may nakapaloob na matitinding mga damdamin. Unang basa ko pa lang ay namuo na ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
                Sinubukan kong ilagay ang aking sarili sa sitwasyon sa tula. Nandoon ang pagkalungkot, pagkatakot at pangungulila. Naisip ko na agad si mama. Tinanong ko sa sarili " Gaano nga ba kahirap mawalan ng isang ina? ".
                Pinaghalong lungkot, takot at pangungulila ang umiikot sa tula. Lungkot at takot sa kung ano mang maaaring mangyari at pangungulila dahil ayaw niyang mawala ang kanyang ina.
                Katulad din ng nagsasalaysay sa tula, kung may hihilingin man akong isang bagay, iyon ay ang hindi mawala ang aking ina. Panigurado na kung mawawala siya ay hindi ko makakaya.
                Simula't simula palang ay mahalaga na sila kaya nararapat lang na tin silang suklian ng pagmamahal sapagkat lahat ay ginagawa nila para sa atin. Tandaan natin na kahit sa huling hininga nila, iniisip pa rin nila ang pamilya.

                   Mabuhay ang mga ina!