Saturday, January 12, 2013

Tata Selo

 
Ang dignidad ng isang tao ay maaaring masira kapag nakagagawa tayo ng kahit isang bagay lang dahil tayo'y may ipinaglalaban. Handa tayong gawin ang kahit ano basta maipaglaban lang ang isang bagay. Pero kahit gaano ka pa nasaktan o naaapektuhan sa mga nangyayari, dapat hindi ka gagawa ng mga bagay na alam mong sa huli ay uusigin ka ng iyong konsensya. Huwag tayong padalos-dalos sa pagdedesisyon dahil masasawi lang tayo kung sakaling mali man.

Simbolo at Pahiwatig




>>>> Ang salitang simbolo ay isang sagisag o tanda ng isang bagay.

* http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_salitang_simbolo




>>>> Hango sa ugat na salitang “hiwatig” na mula sa sinaunang Tagalog, ang “pahiwatig” ay tumutukoy sa paraan ng pagpapaabot ng niloloob o iniisip ng isang tao sa kaniyang kausap sa pamamagitan ng maligoy na pagsasakataga, kung hindi man pagpaparamdam. Kaugnay ng pahiwatig ang matalik na ugnayan at pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang tao na mula sa iisang kultura. Nagiging mabisa ito kung batid kapuwa nag-uusap ang mga dalumat [i.e., konsepto] at talinghaga na pawang taglay ng salita o kilos.

* http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Pahiwatig

Ironiya


Ang Ironiya ay isang uri ng tayutay ng ginagamit ng isang manunulat upang higit na maging masining ang kanyang paglalahad ng buhay sa loob ng kanyang akda. Sa pamamagitan ng tayutay ay napainog ng manunulat ang guniguni ng mga mambabasa.
Karaniwan itong pinipili ng isang manunulat sa kanyang nobela sa kadahilanang ito ay nagpapahayag ng mga hindi sukat akalian. Ang inaasahang pangyayari sa tunay na buhay ay hindi nagyayari.

Tunggalian sa nobela



Isang mahalagang sangkap ng isang nobela ay ang tunggalian. Ito ang siyang nagpapaigting sa paglalahad ng mga karanasang tinipon ng isang manunulat upang mabuo ang buhay na kanyang inilalahad. Ang tunggalian ng nobela ay nahahati sa tatlo:

a. tao sa tao - ipinapakita na ang kasawian ng isang tao ay dulot ng kanyang kapwa

b. tao sa kanyang sarili - ipinapakita naman ng manunulat ang maigting na paglalabang pangkatauhan ng pangunahing tauhan. Nilalabanan ng tao ang kanyang sarili

c. tao sa lipunan - ipinapakita naman ang maigting na pakikibaka ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng lipunang kanyang kinabibilangan

Sa isang akda, may mga bagay na nais ipahiwatig ang may-akda sa loob ng kanyang nobela. Ang pagpapahiwatig ay dinadaan niya sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng mga simbolo. Sa paglalahad ng isang katotohanang nakapaloob sa isang akda. Sa pamamagitan din ng mga simbolong ito ay napipilitang uminog ang mapaglarong guniguni ng mga mambabasa hinggil sa nais sabihin ng manunulat. Sa gayong paraan, nagiging tagumpay ang isa na magsabi ng isang katotohanang nakatago. Nakatutulong din ito sa mambabasa upang gumamit ng kritikal na pag-iisip sa mga gagawin niyang pagpapasya.

Noli me Tangere



" Masama ang manglamang sa kapwa lalo na kapag wala namang ibubuga o mangmang din pala ".

Mabangis na Lungsod

          
          Ito ay tungkol sa masalimuot na buhay ni Adong. Namuhay siyang takot sa kung anong pwedeng gawin sa kanya ni Bruno kapag wala siyang maibigay. Hawak ang buhay niya sa iba. Si Bruno ay isang larawan ng taong walang kwenta at walang magawa sa buhay. Maihahalintulad ito sa mga Pilipinong manggagamit. Walang mapatunayan sa sarili. Nanggagamit ng ibang tao para sa kanyang ikabubuhay. Huwag sana tayong gumaya sa kanya. Maging masikap tayo. Mas masarap sa pakiramdam ang tagumpay o kaginhawaan na sa iyo mismo nanggaling kaysa sa umasa sa iba na hindi naman dapat.

Teoryang Naturalismo

          Tinutukoy ang epekto ng kapaligirang marumi, masukal at kasuklam-suklam sa kasiningan ng akda. Ito ang pangunahing teorya na ginamit sa akda.

Sa Pula, sa Puti



          Huwag natin iasa ang kinabukasan natin sa swerte. Dapat siguraduhin nating lahat ng ginagawa natin ay may silbi upang hindi tayo magsisi sa huli. Dapat maging responsable tayo. Ang mga masasamang bisyo ay dapat ng iwasan tulad ng pagsusugal. Hindi dapat asahan ang mga ganyang bagay at masasayang pa ang panahon natin sa walang kabuluhan. Hindi pa naman naibabalik ang oras.
         Ang papa ko dati ay mahilig tumaya sa lotto. Ngunit napagtanto niya na bigo palagi ang naaabot niya. Naisip niya na kung ang perang ipinangtaya niya ay idagdag na lang sa mga gagastusin namin, mas nakakatulong pa.
         Tayo ay binigyan ng isip upang mag-isip hindi ng mga masasama ngunit ang mga nakabubuti.

Banaag at Sikat



               Sa pamagat pa lang ay masasabi ko na makukuha na agad ng mga mambabasa ang paksa ng nobelang ito. Ang nakuha kong aral ay, " pagkatapos ng gabi ay may isang araw na naman ", isang araw na puno ng pag-asa. Nangangahulugan lamang na lahat ng suliranin ay may kaakibat na solusyon. May bagong liwanag na darating. Huwag tayong agad-agad sumusuko sapagkat hindi tayo nakatira sa mundong ito para magsaya lang habangbuhay. Kailangan din nating makaramdam ng sakit. Ang mga pagsubok ay parte na ng buhay natin at kailanman ay hindi mawawala 'yun. Maging matapang tayo sa lahat ng panahon upang handa tayo sa bawat hamon ng buhay.
                Isa sa mga pagsubok na napagdaanan ng aming pamilya ay nu'ng nagkasakit ng malubha ang aking papa. Dumating sa punto na kahit anu pang gawin namin ay tila wala na talagang pag-asa. Hinang-hina na siya nu'n. Nagbilin na siya ng mga payo sa amin. Ngunit ang ginawa ko, umalis ako ng bahay at pumunta ako sa mga nagkakatay ng baboy na medyo malayu-layo sa amin. Ayaw kong malungkot, nagawa ko ngang ngumiti ngunit hindi ko talaga matakasan ang sinasabi ng puso ko na kailangan kong bumalik sa bahay. Hindi naman kami pinabayaan ng Diyos dahil hanggang ngayon, malakas pa siya. Naghahanapbuhay siya para sa amin. Kailangan lang magtiwala sa kanya.     

Teoryang Pormalismo

 



                     Nilalayon ng teoryang ito ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo o istruktura ng akda. Sinusuri nito ang nilalaman, kaanyuan o kayarian ng pagkakasulat. Nakapaloob din dito ang istilo ng may-akda. 
         Kung maikling kwento ang genre ng literaturang tinatalakay, kinakailangang masuri ang mga sumusunod:

1. tema o paksa
2. suliranin
3. tauhan
4. tagpuan
5. banghay

            simula-------------------tunggalian----------------kasukdulan----------------
                          kakalasan--------------------wakas



Balangkas ng maikling kwento







              () Nagsisimula sa saglit na kasiyahan na di kalayuan sa simula. Ang saglit na kasiglahan ang siyang pumupukaw sa pananabik ng mga mambabasa. Mula riyan, ang galaw ng mga pangyayari ay " pataas ng pataas " hanggang dumating sa " kasukdulan " na kaagad namang sinusundan ng kakalasan. Mula sa kakalasan ay pababa na ang galaw ng kwento hanggang sa sumapit sa wakas.



Elemento ng maikling kwento




Paksang-diwa
                  ]> Pinakapuso ng akda; mensaheng inilalahad ng maikling kwento

Tauhan
                  ]> Mga gumaganap sa akda; nagbibigay buhay sa akda

Tagpuan
                  ]> Lugar at panahon na pinangyarihan

Banghay
                  ]> Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Banghay ng Maikling Kwento





Panimula
             * Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa

Saglit na kasiglahan
             * Panandaliang pagtanggap ng mga tauhan ng mga nasasangkot na problema

Suliranin
             * Problemang haharapin ng tauhan

Tunggalian
             * Ang pakikipagtunggali ng tauhan sa akda
             * May apat na uri: tao sa tao; tao sa sarili; tao sa lipunan; at tao sa kalikasan

Kasukdulan
             * Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban

Kakalasan
             * Tulay sa wakas

Wakas
             * Ito ay resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento

Monday, January 7, 2013

Ang Kalupi Benjamin Pascual



Kalupi
Buod


Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!"
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e."
"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.

Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
"Bakit ho?" anito.
"E. . .e, nawawala ho ang aking pitaka,"
"Ku, e magkano ho naman ang laman?"
"E, sandaan at sampung piso ho."
Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig.
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong pitaka"
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod.

"Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata.
"Andres Reyes po."
"Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis.
Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali." Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag hihintay.
"Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Angbisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.
"Napahiyaw ang bata sa sakit."
Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na daan.
Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapag- angat ng paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta.

"Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong pitaka!"

Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.
"Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis.
Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi na. Tanghali na sya ay umuwi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?
"E. . . e," Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama.
"Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa
"Ang pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo at kumuha ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo nyan?"
Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta ang isang batang payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At tuluyang nawalan ng malay."

Pinagkunan:       http://tl.answers.com/Q/Buod_ng_maikling_kwentong_Ang_Kalupi_ni_Benjamin_Pascual

Repleksyon
                  “ Huwag husgahan ang aklat sa kanyang pabalat “ , wala tayong karapatan na manghusga ng tao dahil tao  lang din tayo tulad nila. Hindi tayo perpekto upang gawin ang mga bagay na ito. Baguhin na ang mapanirang isipan, malalang bibig, at masamang ugali. Tayo bilang tao ay kailangang matutunan ang pagpapahalaga sa sarili at sa iba. Wala ng husgahan lalo na sa panlabas na anyo dahil lahat ng ginawa ng Panginoon ay mahalaga sa kanya kaya kung nilalait mo ang iba, hindi mo rin siya pinapahalagahan, ang mismong gumawa sa iyo.



Sunday, January 6, 2013

Hudyat ng Bagong Kabihasnan







HULING TALATA



Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
Ang siyang nagtanggol sa aping kat’wiran,
Hindi maglalao’t ang sangkatauhan ay
makakandon sa ang kalwalhatian;
Saka ang ligalig na sandaigdigan

Ay mahihimbing na sa katahimikan..



Pinagkunan:    http://sulyapsayaman.blogspot.com/2008/12/mga-hudyat-ng-bagong-kabihasnan-ni.html







Repleksyon:
                      Ito ay tungkol sa pag-usbong ng mga bagong ideya ng mga dalubhasa na nakagawa ng mga imbensyon sa nakapagpabago ng kabihasnan. Ang mga imbensyon na ito ay nagiging sanhi ng mga alitan tulad na lang ng bomba.
                      Ang pinakapokus ng tulang ito ay ang pagiging pagkamainggitin ng mga tao. Dahil du’n, nakakagawa tayo ng mga bagay na maaaring nakakapagpasaya sa atin ngunit nakakasira pala sa iba. Gusto nating umangat pa sa iba gayong pantay-pantay lang naman lahat.
                      Sa pagsasabuhay nito, dapat tanggapin natin ang mga bagay na meron tayo. Kung meron man tayong mga ninanais, pagsikapan natin at gawin sa mabuting paraan. Dapat wakasan ang imbot at inggit ng bawat isa.

                     Ang mga naaapi’y may kakampi, ang Diyos
Tibayan ang pananampalataya sa Ama, na nagbuhat ng lahat

Luha Rufino Alejandro





                                                                  LUHA



Walang unang pagsisi,ito'y laging huli
Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin!

II

Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan
May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay
"Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay,
ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan."

III

Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak;
Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap
Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap

IV

Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay.
Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't
Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!
V

Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi
Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;
tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkaduhagit
Iluha ang aking palad na napakaapi!
VI

Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa
Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay;
Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,
Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!



Teoryang Humanismo
                 Ito ay ang pagsusuri ng akda batay sa damdaming namayani sa tauhan at naglalabas ng kagalingan ng isang tauhan.


Repleksyon
                 Ang luha ay karaniwang sumisimbolo sa mga kabiguan sa buhay bunga ng mga maling desisyon. Sa mga  panahong sumuway ka sa mga magulang sa magulang mo at tinahak ang maling landas mag-isa.
                 Luha, isang akda na tumatalakay sa isang anak na hindi isinabuhay ang mga turo ng kanyang ina. Siya ay naluha na lang sa mga nangyari sa kanyang buhay bunga ng kanyang mga pagsasawalang-bahala sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Pinagdaanan niya lahat ng mga bisyo, nagpakasaya sa buhay na hindi man lang iniisip ang kinabukasan. Isang “ bahala na”  na lang ang buhay niya. Ngayong matanda na siya, tinatamasa niya na ang pait ng buhay. Sa pamamagitan ng luha ay nilalabas niya ang kanyang mga nararamdaman at pagsisisi.
                “ Ang hindi pagsunod sa mga magulang ay isang kasalanang pagsisisihan ng isang anak habangbuhay“, iyan ang masasabi ko sapagkat naranasan ko na ring sumuway sa mga magulang ko. Talagang dapat lang sundin natin sila sapagkat hindi madali ang buhay, sila pabalik na, tayong mga kabataan papunta pa lang. Lahat ng pagdadaanan natin ay maaaring napagdaanan na nila. Kaya, dapat lang na makinig tayo dahil ang pakikinig ay isang simula ng magandang bukas na haharapin.